Paalam Pamana ~ The Philippine Mountaineering

Paalam Pamana

Matapos ang simbolikong pagpapalipad pabalik sa kagubatan ng Agilang si Pamana na naging dahilan upang tayoý maging masaya subalit ngayon ay nagdulot din ito ng luha. Sa pinagsamang lakas at pagtitiyaga ng Philippine Eagle Foundation, lalawigan ng Davao Oriental, lokal na Pamahalaan ng San Isidro, Lungsod ng Mati, DENR, UNESCO Philippines, at DOT  si Pamana ay inalagaan at pinalakas upang itoý makabalik sa kagubatan. Ang pag-aalaga kay Pamana ay binigyang pansin din ng mga kumpanyang may pagnanais sa kaisipang pag-aalaga ng Agila, ang Pacific Paint (Boysen) Phils, Inc., Pilipinas Shell Petroleum Inc., at Globe Telecom ay ang mga kumpanyang tumugon sa hamon. 

Si Pamana ay isang babaeng agila na nasagip mula sa kabundukan ng Gabunan sa Iligan City, Lanao del Norte matapos itoý makatamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa kaliwang dibdib. Si Pamana ay isa sa lumalaking bilang ng mga 'Critically endangered' o yaong mga nanganganib ng maubos na uri ng hayop sa buong mundo. Mula noong 2012 tang Philippine Eagle Foundation ay inalagaan si Pamana hanggan itoý pabalikin sa kagubatan ng UNESCO World Heritage Site – Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary sa Brgy. La Union, San Isidro, Davao Oriental.  

Image by Blogie Robillo via facebook

Si Pamanaý binalik sa kagubatan kasabay ng pagdiriwang nang ika-117 taon Araw ng Kalayaan  ng bansa. Ang pagpapakawala kay Pamana sa kagubatan ay nagsilbing simboliko't makasayayan para sa ating upang magbigay ng malalim na pagpapahalaga sa Philippine Monkey-eating Eagle (Lat. Pithecophaga jefferyi) at pangangalaga sa kagubatan na kanilang tahanan. Subalit matapos ang dalawang buwan na paglipad ni Pamana sa Kagubatan ng Mt. Hamiguitan, kumalat sa social media ang balita ng pagkamatay ng agila. Ayon sa balita, ang Agilang si Pamana ay tinamaan ng bala ng baril noong ika-16 ng Agosto. 

Bilang isang komunidad, tayong mga mountaineers ay inaasahan maging pangunahing komunidad na mangangalaga sa kalikasan. Tayo ay may ilang bagay na dapat nating gawin bilang mga aktibong kasapi ng komunindad, at ito ay ang magbigay para sa kalikasan, maging kabahagi ng komunidad at maging kasaping boluntaryo sa pangangalaga. 

1. Magbigay ng Karapat-dapat. Isa sa nakakagulat sa pangangalaga kay Pamana ay ang aktibong logo ng multi-national company na Shell na nagsasabing sila ay nangangalaga sa kalikasan subalit kung titingnan ang datus ng kumpanyang ito ay napakaraming paglabag sa batas pangkalikasan sa buong mundo isama na ang tinututulang pagmimina ng langis sa Arktiko. Isa pa sa aktibong logo ay ang Globe na may nakakatawang estratehiya na kapag nagtext ang mga subscribers ay may bahaging salaping mapupunta sa Philippine Eagle Foundation, subalit alam naman nating nakapadaya ng kumpanyang ito sa usapin ng pagpapakita ng kanilang librata ng pananalapi at kita. Kung babalikan ang kasaysayan labag sa Globe ang panawagang ibalik ang sobrang kita sa mga subscribers.  

Bilang mga mountaineers kailangan nating ibandila ang pangangalaga sa kalikasan ng walang interes na ibandila ang ating mga pangalan maging ang ating organisasyon. Nawa tunay at bukal sa ating buhay ang pangangalaga sa kalikasan hindi katulad ng Shell at Globe Telecom na may interes na pagtakpan ang pandaraya at paninirang ginagawa ng kanilang kumpanya. 



2. Maging Kabahagi ng Komunidad.  Bilang mga mountaineers kabahagi tayo ng mga pangunahing apektado sa tuwing may pagkasira sa kalikasan. Ang Mt. Hamiguitan bilang isang UNESCO Heritage site ay nagpapakita ng pagpapala ng bansa na tinamo mula sa kamay ng Panginoong lumikha subalit tunay talagang sa bawat bakuran may mga pasaway. Ang hindi mawalang bilang ng hunters sa kabundukan ay hindi natin nais sapagkat ito ang pagkain ng mga hayop ay malalim sa kultura at kasaysayan ng bawat lipunan lalo na ng mga kapatid nating katutubo. Mayroon tayong partipasyon sa komunidad sa pagiging mainam makisalamuha sa tao ng kabundukan. Nawa patuloy nating isapamuhay ang pagiging maalam sa pag-aalaga ng kalikasan at unti-unti natin itong ibahagi sa mga taong ating kakasalamuha sa syudad man o sa kabundukan. At higit saa lahat, nawa tayo ay patuloy na maging bukas sa pagtanggap ng mga isyung pangkalikasan di lamang sa bansa at handang kumilos para sa pakakanan ng karamihan. 

3. Maging Kasaping Boluntaryo sa Pangangalaga. Ang nakakalungkot na kaganapang sumambulat sa netizens at manonood ng balita sa telebisyon sa pagpamatay ni Pamana ay pagpapakita na may pagnanais tayong mangalaga. Ang pangangalaga sa Philippine Eagle ay pinagtibay ng Republic Act 9147 or Wildlife Resources Conservation and Protection Act subalit katulad ng ibang batas ito lamang ay mainam sa prinsipyo. Ang pagkakaroon lamang ng labindalawang (12) bantay-gubat o ""forest rangers" sa Mt. Hamiguitan na may humigit kumulang na 32,000 hectares ay hindi makasasapat para sa pangangalaga ng nasabing kagubatan. Ito na ang tamang panahon upang ikonsidera na ang "matitinong" mountaineers o grupo ng mountaineers ay kilalanin bilang mga deputize forest rangers. Ang mga mountaineers bilang deputize forest rangers ay magiging mainam sapagkat nasa atin ang lakas at resources upang madalaw at maimbentaryo ang kalagayan ng kagubatan. Ang pagkasara ng kagubatan para sa mountaineers ay nangangahulugan din ng pagkasira at duda na may nakikinabang sa kalikasan habang ang Mt. Hamiguitan ay nakasara. 


Bilang pagtatapos, ang mountaineering community ay kinakailangang kakitaan ng kaseryosohan sa aksyong karapat-dapat sa nagaganap na pagkasira ng kalikasan. Kaya, ating pagkaisahin ang ating lakas at kakayanan upang alagaan ang ating kalikasan at ating palakasin ang ating hanay sa pamamagitan ng patuloy na pagiging bukas sa isyu pangkalikasan. 

Ang Philippine Mountaineering community ay inaasahang gumawa ng hakbang upang magbigay ng aktibo at makatotohanang pangangalaga sa kalikasan at lahat ng mga may buhay dito. Inaasahan na ang pangunahing reaksyon ng mga mountaineers sa pagkawala ni Pamana ay pagtangis at panghihinayang. Kaya bilang marunong mag-isip at may kakayanang gumawa ng mga aksyon para sa ikahuhusay ng kalikasan, hayaan nawa natin na ang ating panghihinayang at ang mga luha ay maging gasolina ng ating makatotohanang pangangalaga sa kalikasan. 




Home

Comment With:
OR
The Choice is Yours!

2 comments:

  1. the death of Pamana is an indication that Filipinos are not good stewards of natural resources.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup, it's sad that another eagle was killed for the mountaineering community and government to act for the conservation of the mountains and its inhabitants.

      Delete

Blog Comments
We reserve the rights to delete any comments without notice due to:
1. Profanity
2. Spamming
3. Offensive language or concepts
4. Attacking an organization or person

 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...