Reflection on Compulsory Mountain Guideship ~ The Philippine Mountaineering

Reflection on Compulsory Mountain Guideship

Reflection of RotsapReb

Ang nagaganap na sapilitang pagkuha ng guide sa Batulao ay isang magandang repleksyon para sa mountaineering community at maging sa mga nasa labas nito. Bakit kailangan ng guide sa isang bundok? May maaring sagot sa tanong na ito, at ito ay ang mga sumusunod: 



  1. Ituro sa mga bisita ang mga katotohanan ng pook tulad ng, etimolohiya ng bundok, mga hayop at halamang ipinagmamalaki at mga bagay na doon lamang matatagpuan
  2. Pagbibigay ng kaalaman hinggil sa mga pook na maari lamang lakaran o puntahan     (campsite, water source).
  3. Magbigay ng amateur o professional na tulong sa mga umaakyat na may kinalaman sa pagbisita sa lugar katulad ng pangangailangan sa rope technique
  4. Magbigay ng kagyat na tulong sa anumang di inaasahang kaganapan katulad ng First Aid at Basic Life Support. 
  5. Magbigay komunikasyon sa mga otoridad ng lugar kung kailangan ng anumang di inaasahang pangyayari tulad ng ambulansya.
  6. Magpatupad ng kaayusan at kahusayan ng bundok na may interes na pasunurin ang mga bisita.





  

Dahil may  mga
 responsibilidad ang mga guides, marapat lamang na sila ay mga katanggap-tanggap sa nasabing gawain. Maliban sa sila ay dalubhasa sa kanilang bundok ay mga kinakailangan din namang mga requirements para sila ay maituring na qualified guides at ito ang mga sumusunod:
  1. Alam nila ang mga matatandang kwento o mga gawaing pangkultura sa lugar.
  2. Marunong kung hindi man dalubhasa sa Basic Mountaineering Ethics and Techniques
  3. Makapagsanay kung hindi man dalubhasa sa (Wilderness) First Aid at Basic Life Support
  4. Sila ay nasa takdang legal na edad na depotado o kinasihan ng local government tourism office na magguide at hindi kanilang inisyatiba lamang. 




Ako ay hindi laban sa pagpapatupad ng pagkuha ng guides sa ilang kontrobersyal na bundok sa Pilipinas. Kontrobersyal kasi hindi naman dapat sila sarado subalit may mga pagkukulang sa ilang tinatawag na "mountaineers" na naging dahilan para pagkakitaan ng iilan ang mountaineering community. Babalik ang lahat sa pasimula, ang mountaineering ay responsibilidad at isang pamamaraan sa buhay at hindi lamang ito barkadahan o organisasyon ng mga naglilibang. 

Ironic part of mountaineering activity is, we need to walk further to reach the higher place for us to be meek and stay grounded. 




Bookmark and visit our website regularly, like our Facebook fan page, follow us on Twitter, add us on Google+contact us and/or subscribe to our news feeds via RSS or Email.



Comment With:
OR
The Choice is Yours!

2 comments:

  1. Matanong ko lang po sir/ma'am, same po ba ang view ninyo sa mga katulad namin na lampas sampung beses nang umakyat ng batulao or ng alin man sa mga bundok na nagiimplement ng mandatory local guides?sa paningin nio po ba ay hindi parin kami dapat payagang umakyat ng walang local guide? Kasi po litong lito na po ako tungkol sa usaping ito. Hindi ko na po malaman kung pinagsasamantalahan na po ba kami or talagang ito ang nararapat na tuntunin para sa ikabubuti nating lahat(mountaineers and locals)

    ReplyDelete
  2. Salamat sa concern Ice Gomez. ang iyong tanong ay mainam pagbulay-bulayan. Nais kong liwanagin na ang punto namin dito ay local government-initiative responsible guideship. kaya kung ang Batulao at ang iba pang bundok ay pinagpipilitang kumuha ng guide samantalang hindi naman ito itinatakda ng anumang declaration mula sa local tourism o ng environment and natural resources office, ang nasabing pagpapakuha ng guide ay hindi legal.

    ReplyDelete

Blog Comments
We reserve the rights to delete any comments without notice due to:
1. Profanity
2. Spamming
3. Offensive language or concepts
4. Attacking an organization or person

 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...